KITA NG CONVENIENCE STORE NILIMAS, HOLDAPER TIMBOG

ARESTADO sa ikinasang “Oplan Galugad” ang isang holdaper makaraang pagnakawan ang isang convenience store sa Sta. Mesa, Manila noong Huwebes ng madaling araw.

Agad namang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District – Sta. Mesa Police Station 8, ang suspek na si Alberto Amador, 54, ng Atimonan, Quezon, dating sundalo, residente ng Tondo, Manila.

Napag-alaman, bandang alas-2:00 ng madaling araw, nagpanggap umano bilang kustomer ang suspek sa 7/11 sa Teresa Street, Barangay 592, Sta. Mesa, Manila, naglabas ng baril at nagdeklara ng holdap.

Kinulimbat ng suspek ang P11,965 halaga ng kita ng convenience store at pagkaraan ay tumakas lulan ng motorsiklo.

Sa follow-up operation ng mga awtoridad ay nadakip ang suspek sa harap ng kanyang bahay sa Tondo.

(RENE CRISOSTOMO)

123

Related posts

Leave a Comment