SA kabila ng pagbawi ng whistleblower na si Jefferson Tumbado sa kanyang alegasyon na malala ang katiwalian sa Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB), kakalkalin pa rin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing isyu.
Sa advisory ng House committee on transportation na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, tuloy ang imbestigasyon ngayong Lunes, hinggil sa isiniwalat ni Tumbado na katiwalian
sa LTFRB na umaabot umano sa Department of Transportation (DOTr) at Malacanang.
Bukod kay Tumbado, ipinatawag din sa nasabing imbestigasyon si suspended LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz II, na agad sinuspendi ng Malacanang matapos ang pagsisiwalat ng una sa
ginanap na press conference kasama ang grupo ng Manibela noong October 9.
Si Tumbado ay Head Executive Assistant ni Guadiz at inaasahan na ito ang una nilang paghaharap mula nang isiwalat ng una ang katiwalian sa LTFRB.
Ipinatawag din ng komite si Atty. Rogelio Bolivar (notary public) na nag-attest sa recantation affidavit ni Tumbado at halos lahat ng grupo ng mga transport group, DOTr, Supreme Court (SC), LTFRB directors at National Bureau of Investigation (NBI).
Magugunita na nabulabog ang buong gobyerno sa isiniwalat ni Tumbado na naging dahilan para magsagawa ng imbestigasyon ang Office of the Ombudsman at NBI habang ang Senado ay nais alamin kung bakit binawi ng whistleblower ang kanyang alegasyon.
(BERNARD TAGUINOD)
281