LALAKI NILAPA NG MGA ASO, PATAY

CEBU – Isang lalaki na pinaniniwalaang sinalakay ng grupo ng mga aso ang natagpuang patay sa Sitio Molila, Barangay Lawaan 1, Talisay City, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Talisay City police ang biktimang si George Mayol, 68-anyos, residente ng Cebu City.

Natagpuan ito sa loob ng isang maliit na banyo na may mga sugat sa katawan na pinaniniwalaang marka ng mga kagat ng aso, at punit-punit ang suot nitong damit.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, huli itong nakitang buhay, tatlong araw na ang nakalilipas nang bumili ng pagkain para sa kanyang mga aso.

Tinitingnan din ng mga awtoridad ang posibilidad na limang aso na pag-aari ng biktima ang umatake sa kanya.

Napag-alaman din ng pulisya na ito na ang ikalawang beses na inatake ang biktima ng kanyang mga aso.

Una umanong inatake ng kanyang mga aso ang biktima noong Hulyo 2022 na nagresulta sa pagkakasugat nito sa ilang bahagi ng kanyang katawan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente habang itinurn-over sa city pound ang kanyang mga aso para sa obserbasyon.

(NILOU DEL CARMEN)

97

Related posts

Leave a Comment