Nat’l ID system susi para masugpo ang pekeng SIM identities — House deputy majority leader

KUNG ganap na maipatutupad, ang national identification system ang epektibong makapipigil sa lumolobong kaso ng pekeng subscribers identity modules (SIMs) na kadalasang ginagamit ng online scammers sa pagsasagawa ng cybercrimes.

Ginawa ni Partylist Rep. at sikat na media personality Erwin Tulfo ang pahayag bilang tugon sa mga alalahanin ng ilang stakeholders, partikular ang mga mambabatas at law enforcers, hinggil sa maling paggamit ng SIM cards para sa illegal online activities, kabilang ang cybercrimes at fraudulent transactions.

Ang pekeng identities na nilikha sa pamamagitan ng SIM registration process ay may malaking panganib sa seguridad at privacy ng mga indibidwal at organisasyon.

Ang naturang mga alalahanin ay nag-ugat sa nakaaalarmang dalas ng pagpasok umano ng pekeng identification cards sa SIM registration process na isinasagawa ng telecom companies sa buong bansa alinsunod sa Republic Act 11055.

Ang mga pagkakataon tulad ng matagumpay na registration ng isang SIM card gamit ang imahe ng isang nakangiting unggoy ay nagbigay-diin sa mga kahinaan sa profiling system ng online users.

“The issuance of national ID cards to Filipino citizens and resident aliens, as mandated by law, will give the service providers an easy access to government database for the truthful profile of bona fide holders who apply for SIM registration,” paliwanag ni Tulfo, na siya ring House deputy majority leader.

Sinabi ni Tulfo na ang pagtanggap ng sari-saring identification cards, kabilang ang certification mula sa barangay chiefs, para sa SIM registration ay nagbibigay ng pagkakataon para makapandaya at makapagnakaw ng identity o pagkakakilanlan.

“A single ID system, encompassing all Filipinos, is the key to ensuring the integrity of the SIM registration,” pagbibigay-diin niya.

Ang Republic Act 11055 na nagtatakda ng mandatory implementation ng national ID system ay naglalayong magkaloob ng ligtas at maaasahang pamamaraan ng pagtukoy sa mga indibidwal sa iba’t ibang sektor, kabilang ang telecommunications.

“ Pinaniniwalaan na isa itong krusyal na hakbang sa pagtugon sa identity-related issues at sa pagpapalakas sa national security.

“We support the call of my fellow legislators for telcos to take stringent measures in registering SIMs and help the law enforcers in running after online fraudsters, but I also appeal for the speedy implementation of RA 11055, because, in my view, the use of national IDs instills confidence in our pursuit of foolproof SIM registration,” sabi ni Tulfo.

“In conclusion, the call to fast-track the implementation of the national ID system, as advocated by Globe, does not only offer a far-reaching impact on various aspects of daily life, from simplifying bureaucratic procedures to enhancing national security efforts, but also serves as a valuable tool in the fight against cybercrimes by curbing the spread of fake SIM identities,” dagdag pa niya.

197

Related posts

Leave a Comment