OBRERO ISINELDA SA DROGA

ISINELDA ng mga tauhan ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, ang isang 26-anyos na construction worker makaraang madakip sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong ilegal na droga, sa Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Arjay Patata, binata, ng nasabing lugar.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, station commander, bandang alas-7:00 ng gabi, nang salakayin ng mga awtoridad, sa pangunguna ni Police Captain Mel Soniega, hepe ng Station Warrant and Intelligence Section, ang bahay ng suspek at dinakip ito.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Danilo Leyva, ng Regional Trial Court, Branch 175 ng City of Manila, sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

148

Related posts

Leave a Comment