ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District sa General Trias City, Cavite noong Lunes ng hapon ang isang 33-anyos na construction worker na suspek sa statutory rape.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel John Guiagui, chief ng District Investigation Division II (DID), ang suspek na si alyas “Valentine Jr.”, ng nasabing lugar.
Base sa report ni Police Master Sergeant Jervy Aguilar, dakong alas-2:40 ng hapon nang damputin ang suspek sa nabanggit na lugar dahil sa kasong statutory rape.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Delight Aissa Salvador, ng Regional Trial Court, Branch 29 ng Manila. (RENE CRISOSTOMO)
23