OPISYAL NG CALAMBA CITY INAMBUSH

0

MGA nasagasaan sa trabaho ang pangunahing motibong tinitingnan sa pananambang kay Calamba City Public Order and Safety Office (POSO) chief Jeffrey Rodriguez, pasado alas-5 ng hapon kanina.

Tumambay pa umano sa tindahan ang hindi pa nakikilalang mga salarin habang hinihintay ang pagdaan ng biktima na sakay ng Toyota Hilux na may conduction sticker P8 H191 at pauwi na noon sa Tierra Subd., Brgy. Bucal, Calamba.

Nang tumapat ang sasakyan ng opisyal ay agad itong pinagbabaril ng suspek. Agad tinamaan ng bala sa kaliwang balikat ang bodyguard na si PCpl. Ronnel Santos Balimbing at driver na hindi pa pinangalanan.

Wala namang tinamong sugat si Rodriguez na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan.

Patuloy pang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatan habang nagsasagawa ng manhunt operation ang Calamba City Police Station sa mga salarin. (CYRILL QUILO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment