P12-M SHABU NASABAT SA TULAK SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P12 milyong halaga ng umano’y shabu, ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang umano’y tulak na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, sa Dasmariñas City noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Nicasio” ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, bandang alas-11:20 ng umaga nang maglatag ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO), at Dasmariñas City Police sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Nicasio”.

Nakumpiska mula sa suspek ang walong piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 800 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P5,400,000, isang Chinese tea bag na tumitimbang ng 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P6,800,000 o kabuuang halagang P12,200,000. (SIGFRED ADSUARA)

109

Related posts

Leave a Comment