(NI KIKO CUETO)
PATULOY na nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang malaking bahagi ng Luzon, habang papalapit ang isang low pressure area sa bansa.
Kabilang sa mga makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley Region, at Central Luzon regions maging ang Rizal province.
Sinabi ni Pagasa weather forecaster Raymond Ordinario na dapat maging maingat pa rin ngayon, lalo na sa northern Luzon, dahil sa mga pagbaha.
Posibleng namang maging ganap na bagyo ang low pressure area na tatawaging ‘Marilyn’.
Ito ang magiging ika-13 bagyo na papasok sa Philippine area of responsibility.
317