PAGTALAKAY SA LEGISLATED WAGE HIKE BILL, BABALANSEHIN

NANGAKO si Senador Christopher Bong Go na babalansehin ng Senado ang ang pagbalangkas sa panukalang P100 wage hike increase sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Kasabay nito, nananawagan si go sa malalaking kumpanya na maging bukas ang isipan at bahagian ang kanilang mga empleyado sa kanilang naging kita sa mga nakalipas na taon.

Si Go ang isa sa mga may akda ng P100 wage hike increase o Senate Bill Number 2534.

Ipinaalala ng Senado na nung mga nakaraang taon ay naibaba na nila ang binabayarang corporate income tax ng mga kumpanya.

Tiwala rin si Go na hindi malulugi ang mga kumpanya sa dagdag sahod subalit iginiit na magkakaroon din ng exemption sa babalangkasing batas.

Binigyang-diin ng senador na hindi na makasabay ang mga mahihirap na kababayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin sa merkado.

Iginiit ni Go sa pagtataas ng P100 na sahod sa mga manggagawa sa mga pribadong sektor tiyak na mga mahihirap ang makikinabang.

(Dang Samson-Garcia)

116

Related posts

Leave a Comment