PEACE TALKS POSIBLENG ISABOTAHE

BAGAMA’T ikinatuwa ng mga militanteng mambabatas na babalik sa peace negotiating table ang gobyerno ng Pilipinas at mga rebeldeng grupo, nangangamba pa rin ang mga ito na posibleng isabotahe ito ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ginawa ni House deputy minority leader France Castro ang pahayag kaugnay ng pagbuhay sa peace talks pagkatapos ng anim na taon mula nang ipatigil ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“We hope that the Marcos Jr. administration would stick with the peace negotiations and not listen to the hawks and peace saboteurs especially those in the NTF-ELCAC,” ani Castro.

Ganito rin ang posisyon ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel dahil ang nasabing grupo umano ang nagdeklara bilang terorista sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito rin umano ang nasa likod ng pagre-red tag sa miyembro ng organisasyon na nagtatanggol ng karapatan, magsasaka, kritiko at mga tumutulong sa mga nasa laylayan ng lipunan.

“Peace talks will thrive if the Marcos Jr. administration will abolish the NTF-ELCAC, which was borne out of the failure of the Duterte regime to address the roots of the armed conflict and seriously pursue the peace talks back then,” ani Manuel.

Ang NTF-ELCAC ay itinatag ni Duterte kung saan ilan sa mga dating opisyales nito ay patuloy na nireredtag ang mga kritiko ni Duterte lalo na ang mga militanteng mambabatas.

Gayunpaman, aminado ang dalawa na kapag nagtuloy-tuloy ang peace talks ay tuluyang mareresolba ang ugat ng kahirapan, kawalang katarungan at iba pang usapin sa bansa.

Kahapon, hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na suportahan ang peace process sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito’y matapos na kapwa lagdaan ng pamahalaan at NDFP ang joint communique na nagpapahiwatig ng isang kasunduan na magbabalik sa negosasyon.

Sa isang kalatas, sinabi ni Pangulong Marcos na ang gobyerno ng Pilipinas ay “bold, meaningful, and optimistic” tungo sa aspirasyon para sa kapayapaan ng bansa.

“As reflected in the Joint Statement between our government and the NDF in recognizing the ‘serious socioeconomic, environmental, and foreign security threats’ facing our nation today, both parties have agreed to a principled and peaceful resolution of the armed conflict so that we may finally face these challenges as a unified nation,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nauna nang inanunsyo ng GPH at NDF na napagkasunduan nila na ipagpatuloy ang natigil na peace negotiations matapos lumagda ang kani-kanilang kinatawan ng joint statement para sa “principled and peaceful resolution to the armed conflict.”

(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

146

Related posts

Leave a Comment