PNP inakusahan ng pekeng rescue operation 3 PATAY SA POGO RAID?

KUMALAT sa social media na umano’y tatlong foreign nationals na kabilang sa inaresto sa POGO raid na isinagawa sa Las Piñas City ang namatay sa naturang police operations.

Gayunman, itinanggi ito ng Philippine National Police (PNP), kasabay ng pag-amin na walong foreign nationals ang nasaktan sa raid na isinagawa Martes ng hapon sa Xianchuang Nerwork Technology Inc., 501 Alabang-Zapote, Almanza Uno, Las Piñas City.

Isinusulat ito pasado alas-2:00 ng hapon, Huwebes, ay hindi pa umano kumakain ang mahigit 2000 katao na kinupkop ng mga awtoridad.

Putol din ang linya ng tubig at kuryente, bagay na lalong nagpahirap sa mga empleyado na sinasabing ni-rescue ng mga awtoridad.

“Iyan ba ang rescue, wala kaming makain dito. Kahit tubig, wala,” sabi ng isa sa mga biktima.

Ayon sa PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG), maraming banyaga ang nagalit dahil ilan umano sa mga Pilipino nilang kasamahan ay pinakawalan.

Dinala na umano sa pagamutan ang mga sugatan — walo sa mga ito ang nangailangan ng medikal na atensyon, lima ang may minor injuries at 35 pa ang hindi naman nasugatan, sabi ng mga awtoridad.

Sa mga kumalat na video sa social media, dinig na dinig ang pagpapaputok ng baril ng mga awtoridad na lalong nagpatingkad sa nerbiyos ng mga empleyado.

Nauna nang sinabi ni Police Captain Michele Sabino, PNP Cyber Crime Group, spokesperson, na walang empleyado ang nagsabing sila’y ikinulong at minamaltrato.

“They are working 12 hours. Wala akong narinig na reklamo sa kanila. Iyong iba ay allowed to go out once a week, pero iyong iba hindi. Ibinibigay ang kanilang sweldo,” sabi ng opisyal, malayo sa naglabasan sa media na ‘rescue’ ang ginawa.

“Paanong rescue eh, hanggang ngayon hindi pinapakain iyong mga taong hinuli nila. Ang masama pa, binugbog sila kaya may patay nang tatlong tao,” sabi ng isa sa inaresto sa kanilang kamag-anak.

Nabatid na hindi rin pinayagan ang mga biktima na makakuha ng sarili nilang abogado at pinilit papirmahin sa dokumento na hindi sila pwedeng magreklamo, kaharap ng PAO lawyer.

Nagtataka ang kamag-anak ng mga binitbit na empleyado kung bakit ‘rescue’ ang sinabi sa kanila, samantalang wala naman silang reklamo są kanilang mga employer.

“May rescue ba na binubugbog at pinaputukan ng baril,” sabi ng isang buntis na ginang na ang mister ay kasama sa dinakip ng pulisya.

Ang raid ay isinagawa sa pangunguna ng PNP-Anti Cybercrime Group, Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at PNP-Intelligence Group.

216

Related posts

Leave a Comment