ISINELDA ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang wanted person makaraang silbihan ng warrant of arrest sa kasong statutory rape sa isang menor de edad, sa kinaroroonan nito sa Marilao, Bulacan nitong Linggo ng hapon.
Kinilala ni MPD chief, Police Colonel Arnold Thomas Ibay ang suspek na si alyas “Benjoe Mar”, 18, ng Zamboanga City.
Ayon sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng District Police Investigation Operation Unit (DPIOU) ng MPD, bandang alas-11:30 ng tanghali nang arestuhin ang suspek sa nabanggit na lugar, ng mga operatiba ng MPD-PIOU kasama si Police Captain Mark Lou Cabaluna ng Pitogo MPS ng Zamboanga.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Felix Rodriguez Jr., ng Ninth Judicial Region, Branch 29-San Miguel, Zamboanga del Sur.
Napag-alaman, si Benjoe ay suspek sa panggagahasa sa isang menor de edad na babae sa Zamboanga City, at pagkaraan ay nagtago sa Bulacan.
(RENE CRISOSTOMO)
258