REGULAR SECURITY SYSTEM INSPECTION, IGINIIT SA DICT

HINIMOK ni Senador Grace Poe ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magsagawa ng regular na pagsusuri sa security system ng bawat ahensya ng gobyerno.

Ito ay kasunod ng hacking na ginawa ng Medusa ransomware sa sistema ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nalagay sa kompromiso sa mga personal na impormasyon ng mga members.

Ayon sa chairperson ng Senate Committee on Public Services, dapat na magsagawa ng regular checks ang DICT at iba pang kaukulang ahensya sa integridad ng security system ng bawat departamento upang matiyak na protektado ang mga mahahalagang records at impormasyon mula sa mga hackers.

Ipinaalala pa ni Poe sa PhilHealth at sa iba pang tanggapan, bilang tagapag-ingat ng mga mahahalagang impormasyon ng publiko, mahalagang magkaroon ang pamahalaan ng pinakamatibay na firewall laban sa cybercrime.

Iginiit ng senador na ang anumang cyber attack ay hindi katanggap-tanggap lalo na kung ito ay laban sa government data system.

Sa ngayon ay inaabangan ng mambabatas ang final report ng PhilHealth at garantiya na hindi nakompromiso ang records ng mga miyembro nito.

(Dang Samson-Garcia)

88

Related posts

Leave a Comment