RIDER PATAY SA SALPUKAN

PATAY ang isang 35-anyos na binata nang salpukin ng isang Toyota Hi Ace van sa Imus City, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Imus ang biktimang si Andre Christopher Barcelona Reyes ng B9L56 Green Park Villas, Malagasang 2D, Imus City, Cavite sanhi ng matinding pinsalang dulot ng insidente. Kinilala naman ang suspek sa pangalang John Marco Aleonar Soriano.

Sa imbestigasyon, binabagtas ng van na minamaneho ni Soriano bandang alas 2:15 ng madaling araw ang kahabaan ng NIA Road nang mahagip ang isang Yamaha Mio na di umano’y nag counterflow sa direksyon ng Open Canal sa nasabi ring lungsod.

Kusang sumuko naman ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (SIGFRED ADSUARA)

21

Related posts

Leave a Comment