SA CONTRACT FARMING NG NIA, P29 PER KILO NG BIGAS SA AGOSTO

POSITIBO ang pamunuan ng National Irrigation Administration na bunsod ng kanilang sistemang contract farming ay posible na silang makapagbenta ng bigas sa halagang P29 kada kilo sa KADIWA stores.

Naniniwala si NIA Administrator Eduardo Guillen, kakayanin na ng pamahalaan na makapagbenta ng murang bigas pagsapit ng Hulyo o Agosto

Ayon kay Administrator Guillen, tinatayang nasa P29 kada kilo ang ibebenta nilang bigas sa Kadiwa stores bunsod ng inaasahang malaking ani sa darating na mga buwan.

Sa pagtataya ng kawanihan, posibleng aabot ng 100 milyong kilo ng bigas ang mapo-produce pagsapit ng Agosto.

Sinasabing magiging posible ito bunsod ng kanilang proyekto na mapataas ang produksyon ng bigas sa ilalim ng contract farming na layong makamit ang rice sufficiency at security sa bansa.

Nabatid na sa pamamagitan ng contract farming program, bibigyan ng kinakailangang agricultural inputs at kapital ang mga magsasaka para mapalakas ang productivity at competitiveness.

Bukod pa sa paglinang ng irrigation system sa malawak na irrigatable farmland.

Ang nasabing pagtataya ng NIA ay suportado ng Department of Agriculture, na posibleng magkaroon ng supply ng murang bigas sa Hulyo.

(JESSE KABEL RUIZ)

78

Related posts

Leave a Comment