SENIOR CITIZEN TIMBOG SA ESTAFA

NATUNTON ang isang 61-anyos na ginang na may kasong estafa at nadakip ng mga awtoridad sa Newport World Resorts sa lungsod ng Pasay.

Napag-alaman, nadakip sa ikinasang “Oplan Galugad” at anti-criminality campaign ng mga operatiba ng District Intelligence Division, (DID) Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, ang suspek na si alyas “Marie Michelle”, may asawa, negosyante, ng Makati City.

Ayon sa ulat na isinumite ni Police Major Fredwin Sernio, deputy chief, kay Police Major Emmark Dave Apostol, hepe ng DID-2 SMaRT, bandang alas-4:10 ng hapon nang maaresto ang ginang makaraang inguso ng mapagkakatiwalaang impormante.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria Paz R. Reyes-Yson, ng Regional Trial Court, Branch 54.

Ang suspek ay maaaring maglagak ng P40,000 halaga ng pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

(RENE CRISOSTOMO)

82

Related posts

Leave a Comment