SUSPEK SA LARGE SCALE ESTAFA, SINILBIHAN NG WARRANT SA SELDA

SINILBIHAN ng warrant of arrest ang isang 54-anyos na networking finance officer sa kanyang selda sa District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, dahil sa kasong large scale estafa noong Martes ng hapon.

Kinilala ang sinilbihan ng warrant of arrest na si Armando Naga, may asawa, residente ng Las Piñas City.

Ayon sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DSOU, bandang alas-12:40 ng hapon nang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa suspek sa kanyang selda, sa pangunguna ni Police Major Dave Garcia, deputy chief, kasama sina Police Captain Edgar Julian at Police Captain Renz Krizztofer Figueroa.

Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Rosa Samson, ng Regional Trial Court, Branch 105 ng Quezon City, sa kasong syndicated estafa sa ilalim ng Article 315, Par. 2 (a) as amended, ng Presidential Decree 1689.

(RENE CRISOSTOMO)

231

Related posts

Leave a Comment