TAGUMPAY NG PINAY UM STUDENT

ANG pangarap ng bawat magulang para sa kanyang anak na maabot ang minimithi nitong tagumpay sa buhay ay isang napakagandang pamana upang ang susunod na yugto na kanyang haharapin ay taas noo nitong haharapin.

Walang hanggang pasasalamat para sa isang ina kagaya na lamang ni Mayeth Bitara na pasalamatan ang University of Manila (UM) sa pangunguna ng kanilang President na si Dr. Emily De Leon upang mabigyan ng opurtunidad na makapag patuloy na makapag aral sa bansang Japan ang kanyang anak na si Ellaine Bitara.

Sa isinagawang Japanese Language Proficiency Test na isinagawa ng Japan foundation ay hindi nabigo si Bitara upang makakuha ng final score na 99.5% at siyang susi na mapag aralan pa ng husto ang Japanese language maging ng kanilang kultura at lutuin na siya namang ipinagmamalaki saan mang sulok ng mundo.

Nabigyan ng malaking opurtunidad si Bitara na ipagpatuloy ang kanyang pag aaral sa isang paaralan sa Okinawa Japan dahil sa talino at ang minimithi nitong makapag bigay ng karangalan sa bansa sa tulong at suporta na din ng kanyang professors na sina Marjorie Borces at Rochelle Anne Fallorina.

Mula pa sa taong 1913 ay ipinagmamalaki ni Dr. De Leon na hindi na mabilang ang mga mag aaral na naging matagumpay sa kanilang buhay dahil sa quality educations at de kalidad na edukasyon sa pinaka mababang tuition mula sa UM na patuloy pa rin na tumutulong na maabot ang pangarap ng bawat mag aaral.

1610

Related posts

Leave a Comment