TRUCK DRIVER NIRATRAT NG BALA SA TAGAYAN

PALAISIPAN sa mga awtoridad ang motibo sa pamamaril sa isang 53-anyos na truck driver habang nasa umpukan ng inuman sa bahay ng biktima sa Barangay 105,Tondo, Manila noong Lunes ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang kinilalang si Gabriel Escorial, may live-in partner, at residente ng nabanggit na lugar.

Base sa ulat ni Det. Boy Nino Baladjay ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-6:00 ng gabi nang pasukin ang bahay ng biktima ng isang hindi pa kilalang gunman

Ayon sa imbestigasyon ni Det. Baladjay, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang sumulpot ang suspek na armado ng baril at walang habas na pinagbabaril si Escorial hanggang sa humandusay sa sahig na walang buhay.

(RENE CRISOSTOMO)

175

Related posts

Leave a Comment