NO. 3 MOST WANTED SA ABRA, TIMBOG SA QC

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang matagumpay na pagkakadakip sa no. 3 most wanted person sa Lagangilang Municipal Police sa lalawigan ng Abra, sa bisa ng warrant of arrest noong Martes sa Quezon City.

Sa ulat ni La Loma Police Station (PS-1) commander, P/Lt. Col. Florian Reynado, nagsagawa ang kanyang mga tauhan at ang mga operatiba mula sa PIU/DEU, Lagangilang Municipal Police Station, RID, RIU-14, 1st and 2nd PMFC, 1504 Regional Mobile Force Battalion (RMFB), Abra Provincial Police Office, ng joint operation sa bisa ng warrant of arrest, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si Gerardo Dacuyan Bersalona, 68, residente sa #161 Kaingin Road, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Inaresto si Bersalona bunsod ng nakabinbing kasong rape in relation to

RA 7610 (child abuse) at four counts ng acts of lasciviousness sa Branch 1 at 2, Regional Trial Court, Bangued, Abra.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kasong rape ng suspek habang nagtakda ng P180,000 bail bond para sa kasong acts of lasciviousness.

Ang suspek ay nai-turn over na sa Lagangilang Municipal Police, Abra Provincial Police Office sa pamumuno ni P/Lt. Jady Fernandez. (JOEL O. AMONGO)

 

157

Related posts

Leave a Comment