NO. 3 MWP SA MASBATE, NASUKOL SA CAVITE

kulong

CAVITE – Natunton sa bayan ng Naic sa lalawigang ito ang no. 3 most wanted person ng Masbate na may patong sa ulo na P150,000 at naaresto sa bisa ng warrant of arrest noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Jumar Del Rosario Tugbo, 38, construction worker, residente ng Saklangan St., Brgy. Sabang, Naic, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Richard Atienza ng Naic Police Station, dakong alas-6:45 ng gabi nang nagsagawa ng operasyon ang RID5 RSOU (lead unit) kasama ang Uson MPS, RID NCRPO, DCADD QCPD, RID PRO4A, PIU Cavite PPO at Naic MPS, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Arturo Clemente B. Revil ng RTC Branch 44, Masbate City, 5th Judicial Region, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa kanilang bahay.

Si Tugbo ay no.3 MWP regional level sa Masbate at may patong sa ulo na halagang P150,000 dahil sa kasong murder at iba pang krimen laban sa International Humanitarian Law, genocide at attempted murder.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Police Regional Office 5 para sa disposisyon. (SIGFRED ADSUARA)

200

Related posts

Leave a Comment