NAGHAHANAP ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng mga rehistradong nurse na itatalaga sa isolation facilities, City Epidemiology and Surveillance Unit, at vaccination centers.
Ang interesadong mga aplikante ay hinikayat na magpadala ng kanilang resume sa cityofvalenzuela.recruitment@gmail.com at bernadeth.bartolo@gmail.com.
Samantala, bumibyahe na ang Valenzuela City Bakuna Shuttle para sa mga magpapabakuna sa Valenzuela City Astrodome.
Maaaring sumakay sa shuttle nang libre, puntahan lamang ang pick-up point sa Wilcon Depot papunta sa drop-off point sa Valenzuela City Astrodome.
Nagpaalala ang pamahalaang lungsod na walang walk-in sa Valenzuela City Astrodome at sa vaccination centers ng lungsod, at tanging mga may vaccination appointment lamang ang maaaring magpabakuna. (ALAIN AJERO)
146 