OBRERO NATUHOG NG BAKAL, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang binatang construction worker makaraang matuhog ang katawan ng bakal sa construction site ng itinatayong ospital sa Lipa City noong Miyerkoles ng hapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Metro San Jose Medical Center ang biktimang si Christian Guiral, 21-anyos.

Ayon sa Lipa City Police, nahulog sa kinatutungtungan ang biktima at nalaglag sa hindi kataasang flooring.

Ngunit sa kasamaang palad, bumagsak ang biktima sa nakausling bakal at natuhog ng 16mm na dowel bar ang puwet nito.

Agad itong isinugod sa ospital ngunit binawian ng buhay makalipas ang ilang oras. (NILOU DEL CARMEN)

307

Related posts

Leave a Comment