CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang hinggil sa pagkamatay ng isang 39-anyos na construction worker na binaril sa loob ng kanyang kotse sa Bacoor City noong Linggo ng hapon.
Isinugod sa Las Piñas City Medical Center ang biktimang si Ato Macalanga Abdullah, ng Brgy. Hagunog, Taguig City habang pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si Jerome Mendoza, alyas “Jam Muslim” nasa hustong edad, ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Edison Fetalculin ng Bacoor City Police,
dumating ang biktima sa Latero Greenvalley lulan ng puting Toyota Vios (Power Hug Transport) na may plakang AIJ 587 at ipinarada ito sa harap ng isang convenience store dakong alas-3:00 noong Linggo ng hapon.
Pagkaraan ng ilang saglit ay dumating naman ang suspek na biglang pinaputukan ang biktima gamit ang .45 kalibreng baril.
Matapos ang pamamaril, pinaharurot ng suspek ang kanyang get-away car patungo sa direksyon ng Las Piñas City habang ang biktima ay isinugod sa ospital ngunit hindi umabot nang buhay.(SIGFRED ADSUARA)
170 