MAGPAPATUPAD ng malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula Martes, ayon sa kanilang mga abiso.
Sa anunsyo ng Shell, SeaOil, Petro Gazz, at CleanFuel, may P2 dagdag sa kada litro ng diesel, habang P1.20 naman ang dagdag sa gasolina.
Para naman sa kerosene, tataas ito ng P1.70 kada litro.
Ayon kay Rodela Romero ng Oil Industry Bureau ng Department of Energy (DOE), ang pagtaas ay dulot ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na maghigpit ng sinturon at planuhin ang biyahe, dahil sa panibagong big time oil price hike na aabot ng hanggang P2 kada litro ngayong linggo.
(CHAI JULIAN)
18
