2025 NAT’L AND LOCAL POLLS MAGKAKADAYAAN?

PUNA ni JOEL O. AMONGO

KUNG pagbabasehan natin ang sinabi ni Commission on Election (Comelec) Chairman George Garcia kamakailan, posibleng magkaroon ng dayaan sa darating na 2025 national and local elections.

Nagbabala ang hepe ng Comelec sa mga aspirante sa 2025 national and local elections na maging mapagbantay laban sa mga sindikato na nangingikil ng pera kapalit ng madaling panalo sa darating na eleksyon.

Ayon kay Garcia, naka-monitor sila sa ilang lugar sa Luzon at Mindanao kung saan may mga indibidwal na nagsabing may kakilala mula sa Information Technology Department ng Comelec na humihingi ng hanggang P100 milyong para sa nasabing scheme.

Sa pahayag ni Garcia sa isang radio station, sinabi niyang: “Sa mga kakandidato, whether incumbent o hindi, may kumakalat po ngayon na mga sindikato na umiikot na kaya daw nila kayong panalunin in a matter of minutes. Kahit daw kayo’y pumikit na at hindi na mangampanya at hindi na mag-ikot-ikot ay panalo na.”

Dahil sa isyung ito ay makikipag-ugnayan sila sa National Bureau of Investigation (NBI) para mapanagot ang nasa likod nito.

Ang tanong ngayon sir, paano kung ang nasa likod ng gagawing dayaan na ito ay nasa Comelec din?

Matagal nang nakatatanggap ang PUNA ng impormasyon na may nagaganap na dayaan tuwing nagkakaroon ng election, na may kasabwat umanong nasa Comelec.

Nagsimula ang mga isyung dayaan tuwing eleksyon partikular nang gamitan ng mga makina ng Smartmatic.

Ilang sa mga kasabwat nito ay nag-iikot sa buong bansa para alukin ang mga kandidato ng panalo kapalit ang malaking halaga.

Sinasabi ng mga ito na may koneksyon sila sa Comelec kaya sigurado ang panalo ng kandidato na kanilang inaalok.

Ngayon dapat patunayan ni Commissioner Garcia na talagang pursigido sila sa kampanya laban sa dayaan sa eleksyon.

Nangako si Garcia na tutulong ang Comelec sa legal na proseso laban sa mga sindikato sa sandaling masangkot dito ang kanilang miyembro.

“Sana kapag ‘yan lumapit sa inyo, arestuhin niyo agad at tutulong kaming i-prosecute ang mga taong ‘yan,” pahayag pa ni Garcia.

oOo

Para sa sumbong at suhestiyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

34

Related posts

Leave a Comment