25TH ANTIPOLO CITYHOOD ANNIVERSARY CELEBRATION

TARGET NI KA REX CAYANONG

INAABANGAN na ng lahat ang gaganaping 25th Antipolo Cityhood Anniversary bukas, Abril 1, 2023 (Sabado).

Magsisimula ang aktibidad sa Sumulong Park kung saan bandang 1:00 ng hapon ang assembly time.

Aarangkada ang Float Parade mula alas-3:30 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

“Bilang bahagi ng pagdiriwang ng cityhood anniversary, magkakaroon ng Float Parade ang lungsod na may temang Disney Pixar Movies,” sabi ni City Mayor Jun Ynares.

“Magsisimula ito sa Sumulong Park at magtatapos sa Ynares Center. Kasama po sa Float Parade ang 16 barangays, 15 drum and lyre bands, city band, city hall employees, at ibang mga business establishments kung kaya’t asahan na ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga apektadong kalsada.”

Inabisuhan naman ng masipag na alkalde ang mga motorisya na bawal munang pumarada sa mga nakalaan na one-side parking sa C. Lawis St. at Sto. Niño St. mula 12:00 ng tanghali hanggang sa makadaan ang parada.

Kung hindi ako nagkakamali, isasarado ang mga kalsada mula Masangkay St./P. Oliveros St. papuntang M.L Quezon Street. Ibinahagi rin ni Mayor Ynares ang ruta ng parada.

Sinasabing mula Sumulong Park ay babaybay ito papuntang P. Oliveros Street, kanan sa General Luna Street; kanan sa C. Lawis Street; kanan sa Sto. Niño Street; kanan sa J. Sumulong Street, at kaliwa sa M.L. Quezon Street papuntang Shopwise.

Mula Shopwise ay kakanan naman ito sa Circumferential Road papuntang Ynares Center.

Nabanggit ni Mayor Ynares na “ang kabilang lane ng Circumferential Road na dadaanan ng parada ay gagawing two-lane road upang bigyang-daan ang ibang motorista at maiwasan ang pagsikip at pagbagal ng daloy ng trapiko.”

“Inaasahan natin ang patuloy na pagsuporta ng ating mamamayan sa darating na pagdiriwang.”

Aba’y maraming inaabangan ang publiko rito. Hindi lang pala parada o simpleng aktibidad ito.

Ito’y dahil dadalo rito ang #Hashtags Heartthrob na si McCoy de Leon at maging si Viva Artist Franki Russel.

Kaya payo ni Mayor Ynares sa mga taga-Antipolo: “…Hatakin na ang tropa at pamilya, at tayo na’t magdiwang sa 25 taon ng pananampalataya, malasakit, katatagan at pag-unlad.”

Huwag sayangin ang pagkakataong ito na mapanood ang inyong mga idolo.

Binati rin nina Mayor Ynares ang lahat ng “isang makabuluhan at mapagpalang pagdiriwang ng ika-25 Anibersaryo ng lungsod ng Antipolo!”

Mabuhay po kayo at God bless!

181

Related posts

Leave a Comment