6-BUWAN WALANG SWELDO, EASTWEST PLACEMENT TINATAWAGAN NG PANSIN

BANTAY OFW

SA pamamagitan ng Bantay OFW monitoring apps ay natanggap natin ang reklamo ni Emmanuel Laurente na nasa Riyadh, Saudi Arabia.

Siya ay nakapunta sa Saudi Arabia sa tulong ng Eastwest Placement Agency. Ayon sa kanyang sumbong sa akin ay anim (6) na buwan na s’yang hindi pinapasweldo ng kanyang employer kung kaya siya ay nakikiusap na siya ay matulungan na maiparating sa kanyang agency ang kanyang pinagdaraanan.

May pamilya siyang umaasa kaya importante para sa kanya na regular na matanggap ang kanyang pinagpaguran na sweldo.

Samantala, humihingi rin ng tulong ang ating kabayani na si Sonia Santiago na nasa Salwa, Kuwait. Tanging ang kanyang Foreign Recruitment Agency na Salwa Yaqoub ang kanyang naisulat sa kanyang request for assistance form kaya hindi natin matukoy ang kanyang ahensya sa Pilipinas.

Si Sonia Santiago ay nagrereklamo na hindi rin s’ya regular na pinapa-sweldo ng kanyang employer. Inirereklamo n’ya ang pagliban ng kanyang sweldo at nitong nakaraang Nobyembre ay tuluyan na s’yang hindi binabayaran. Noong nakaraan na nag-reklamo na s’ya sa kanyang employer ay imbes na siya ay bayaran ay sinabi pa ng kanyang amo na may nawawalang gamit sa loob ng banyo at kailangan na ibawas ito sa kanyang sweldo.

Nakikiusap si Sonia na matulungan na siya ng kanyang ahensya na makauwi na lamang bago pa duma-ting ang isang sitwasyon na maaaring humantong sa pananakit o pagkakaso laban sa kanya ng kanyang employer. (Bantay OFW / DR. CHIE LEAGUE UMANDAP)

oOo

Hinihikayat natin ang lahat ng OFW o maging ang mga paalis pa lamang ng Pilipinas na mag-download ng Bantay OFW monitoring apps na libre sa android playstore. Dahil sa pamamagitan ng Bantay OFW monitoring apps ay regular nating makukumusta ang lahat ng ating mga kabayani saan mang sulok sila ng mundo.

136

Related posts

Leave a Comment