PAGBASA NG SAKDAL KAY TRILLANES INILIBAN

SEN TRILLANES-2

(NI LYSSA VILLAROMAN)

IPINAGPALIBAN ng korte sa Pasay City, Biyernes ng hapon, ang pagbabasa ng sakdal laban kay Senador Antonio Trillanes lV bunsod sa kinahaharap nitong kasong grave threat.

Ang kasong kinahaharap ni Trillanes ay nag-ugat dahil sa pagbabanta ng senador kay Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jing Paras na siyang nagsampa ng kaso nang magkita sila sa session hall sa Senado noong nakaraang taon.

Sinabi ng abogado ni Trillanes na si Attorney Reynaldo Robles, ang pagpapaliban ng arraignment ng hukom ng MTC Branch 47 sa kaso ng senador ay sa dahil may naka-pending pang mosyon silang inihain na kumukuwestyon sa isinampang kaso laban dito.

Nakatakda ang pagpapatuloy ng pagbasa ng sakdal ng naturang korte na isinampa ni Paras laban kay Trillanes sa Marso 29 sa taong kasalukuyan.

70

Related posts

Leave a Comment