MGA BARANGAY NAGBUNYI SA PAGKAKATALAGA KAY ES RODRIGUEZ

LUBHANG ikinagalak ng mga barangay official ang pagkakatalaga bilang executive secretary ni Atty. Vic Rodriguez dahil sa inisyatibo ng administrasyon na palakasin lalo ang mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, nais ng administrasyong Marcos na isailalim sa capacity-building training ang nasa 42,046 na mga barangay captain sa bansa upang higit nilang mapagsilbihan at mapamahalaan ang kanilang mga nasasakupan.

Gayundin, nais ng susunod na administrasyon na dagdagan ang kanilang pondo upang mas mapabuti ang kanilang serbisyo para sa mga mamamayang Pilipino, lalong-lalo na sa panahon ng sakuna.

“I think ngayon sobra-sobra na ang inyong pondo, sobra-sobra na pati ‘yung pagdi-deliver ng basic services. And it is indeed true — nag-evolve na rin ang mga barangay. Napakaganda ng evolution ng barangay governance. Magkakaroon pa kayo ng dagdag na pondo dahil sa Mandanas-Garcia ruling,” ayon kay Atty. Vic.

Sa kasalukuyan, ang mga barangay official lamang sa Quezon City ang sumasailalim sa pagsasanay, samantalang hindi ito maisagawa ng karamihan dahil sa pangangailangang financial.

Upang maisakatuparan ito ng administrasyon, sinabi ni Atty. Vic na isa ito sa pagtutuunang pansin nina incoming Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. at incoming Undersecretary Felicito Valmocina sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Hindi pa man nagsisimula ang pamumuno ng kanilang administrasyon ay kapansin-pansin na paunti-unti nang napapatunayan ng administrasyon ni BBM ang kanyang sinseridad sa mamamayan sa pamamagitan ng direct engagement.

Noon pa man, ito na rin ang naging paraan ng administrasyong Marcos, at naging testamento rito ang kanyang pagkapanalo sa pagkapangulo, sa pangunguna ni Atty. Vic.

Kung matatandaan, bukod sa traditional media ay nakita natin na ang campaign team ni BBM ay direktang nakipag-­usap sa sambayanan sa pamamagitan ng social media at ibang communication platforms upang direktang makipag-ugnayan sa mga Pilipino.

Kumpara sa mga patalastas sa telebisyon at radyo, pagpapalakas sa mas malalaking kawani ng pamahalaan, naiibang klase ng komunikasyon ang direct engagement sapagkat nahahaplos nito ang puso ng bawat tao. Mas nakikita natin ang sinseridad at pangangalaga mula sa ating mga tagapangasiwa.

Ilang araw na lamang ang ating hihintayin at mamumuno na ang bagong administrasyon sa ating bansa. Suportahan natin ang kanilang mga plataporma na naglalayong mapabuti ang kapakanan ng Pilipinas.

Batid ng taong bayan na ginagawa ng panibagong administrasyon ang lahat ng kanilang makakaya upang ang pamumuno at pangangasiwa sa ating bansa ay magbubunga ng isang magandang bukas.

Ang pagnanais nilang palakasin ang mga barangay ay maganda ang maidudulot para sa bawat isa, sapagkat ang mga sangay na ito ng pamahalaan ang makasisiguro na walang mamamayan ang maiiwan at hindi mabibigyan ng serbisyo mula sa pamahalaan.

Magiging malaking tulong din si Atty. Vic sa pagpapalakas sa kanilang pamamahala, lalo pa at siya rin mismo ay may kaalaman sa pamamalakad sa mga barangay dahil sa kanyang ilang taong pagsisilbi bilang opisyales nito. Ang mga pamamaraang

direct ­engagement katulad nito ay ilan lamang sa mga sinisimulang ­paraan ng bagong administrasyon upang ipakita na tayo ay nasa mabuting kamay, at tayo ay sama-samang muling babangon.

173

Related posts

Leave a Comment