TARGET ni KA REX CAYANONG
NASA ikalawang puwesto ang ACT-CIS Party-list sa pinakahuling performance survey.
Ang survey ay isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
Nanguna ang mga kongresista na sina Reps. Edvic Yap, Erwin Tulfo, at Jocelyn Tulfo (88.1%).
Pasok din si Cong. Sonny Lagon ng Ako Bisaya Party-list matapos makuha ang ikalimang pwesto o 84.5%.
Ayon sa RPMD, ang Tingog Party-list nina Rep. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ang nanguna sa survey at nakakuha ng 92.8%.
Tabla naman sa ikalawang pwesto ang Ang Probinsyano ni Rep. Alfred delos Santos (88.9%), Agimat ni Rep. Bryan Revilla (88.6), at nakabuntot ang ACT-CIS.
Hindi maitatanggi na ang party-list system ay kumakatawan sa mga “marginalized sector” o mga grupong hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa lipunan.
Siyempre, layon ng mga party-list na makagawa ng batas para sa kapakanan ng mga kinakatawan nito.
Ngunit may mga kailangang sundin para makasali ang isang party-list sa Kongreso.
Para ikaw ay makasama sa Kongreso at ikaw ay mag-qualify na party-list sa Kongreso, may 2 percent ka dapat na votes of the total votes.
Bukod dito, kapag hindi nakamit ang kinakailangan na porsyento ng mga boto sa dalawang magkasunod na eleksyon, maaaring tanggalin ng Commission on Elections (Comelec) ang isang party-list sa listahan ng mga rehistradong grupo.
Aba’y ang matindi, maaari ring matanggalan ng akreditasyon ang isang party-list kung hindi ito sumasali sa eleksyon.
Ang katotohanan dito, bagamat maganda ang layunin, puwede rin daw na maabuso ang party-list system.
Nakikita naman ng lahat na maganda ang performance ng ating mga party-list ngayon.
At ang resulta ng survey ang testamento riyan.
Mabuhay po kayong lahat, mga bossing, at God bless!
139