At Your Service ni Ka FRANCIS
“MINSAN ay nasa ilalim, minsan nasa ibabaw,” ganyan ang buhay ng tao, parang gulong ng sasakyan.
Kung ngayon ay nakararanas tayo ng kahirapan sa buhay, tuloy lang tayo sa ating mga ginagawa, tiyakin lang nating nasa tamang landas tayo.
Ang pinakamahalaga sa lahat ay nasa panig natin ang ating amang nasa langit.
Kaya ko sinasabi ito ay dahil personal kong naranasan ang ganitong pangyayari na kapag minsang nakalilimutan ko si Lord ay humihina ang aking kita.
Hindi kasi pwedeng puro hanapbuhay lang tayo, kailangan nating alalahanin at bigyan ng panahon si Lord.
May mga tao na umuunlad na malayo sila kay Lord, pero sa kabila na malalaki ang kanilang kinikita sa kanilang mga mga negosyo, masaya ba sila?
Nakukuntento ba sila sa kanilang mga kinikita at wala silang panahon sa ating amang nasa langit? ‘Di ba hindi.
Iba kasi kapag naghahanapbuhay ka na may panahon ka pa kay Lord, walang katapusang kasiyahan ang inyong mararanasan.
Maigsi lang ang buhay natin, kaya habang nabubuhay tayo ay gawin na natin ang pinakamaganda para sa ating kapwa at higit sa lahat para kay Lord.
Kung nakararanas man tayo ngayon ng karangyaan ay gamitin natin ito sa mabuti at hindi para ipagyabang at makaperwisyo sa kapwa.
Magpasalamat tayo sa ating amang nasa langit na binigyan niya tao ng mga ari-arian na ating tinatamasa ngayon.
Minsan kasi tayong mga tao kapag umangat na sa buhay ay nag-iiba na ang ating ugali.
Hindi tayo pwedeng magmalaki kung anomang mayroon tayo ngayon dahil lahat ng ating ari-arian ngayon ay hiram lamang natin kay Lord, mawawala rin ito kalaunan kapag ginusto niya.
Kung tayo man ay nakararanas ng kahirapan ngayon, tiis lang, aahon din tayo basta ‘wag tayong titigil sa ating mga ginagawa at higit sa lahat samahan natin ng dasal.
Ang sipag at tiyaga natin ay samahan natin ng dasal, palagay ko naman darating ang panahon na uunlad tayo.
Kung ang gagawin nating kumita tayo ng kaunti ay gagamitin natin sa bisyo ay wala tayo patutunguhan kundi ang kapahamakan.
oOo
Binabati pala natin ang ating kaibigan na si Kuya at Police Col. Nixon Cayaban, chief of police ng Valenzuela City, sa kanyang kaarawan sa Oktubre 2, 2024.
Happy-happy birthday, sir! Pagpalain po kayo ng ating amang nasa langit!
Si Col. Cayaban po ay malapit sa mamamayan ng Valenzuela City, kaya naman tahimik ang siyudad.
Malapit din si Col. Cayaban sa mga negosyante kaya naman patuloy ang pag-angat ng siyudad.
Marami ring accomplishments vs criminality dahil sa kanilang police visibility sa pamumuno ni Kuya at Col. Cayaban sa Valenzuela City.
Malayo ang mararating ni Police Col. Nixon Cayaban dahil sa pagiging malapit niya sa mga Pilipino. Sana all daw katulad kay Col. Cayaban ang ating mga pulis.
81