ANG HEALTHCARE ADVOCACY NI SEN. GO AT ANG PAGDALO NI SEN. PADILLA SA CLOSING CEREMONY NG SCOUT RANGER

DI KO GETS! ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)

KILALANG healthcare advocate itong si Sen. Christopher “Bong” Go. Isinusulong niya ang karapatan ng bawat Pilipino para sa abot-kayang health care services.

Aminado si Go na ilang barangay ang matagal nang humaharap sa mga hamon pagdating sa emergency medical services.

Sinabi niya na ang kawalan nila ng dedikadong ambulansya ay kadalasang humahantong sa pagkaantala sa tulong medikal at inilalagay sa panganib ang buhay ng mga residente.

Kaya naman, gumanap ng mahalagang papel si Go, chairman ng Senate Committee on Health, upang mabigyan ng ambulansya ang ilang barangay.

Kasama sa pinakahuling benepisyaryo ng kanyang programa ay ang Barangay La Huerta sa lungsod ng Parañaque.

Kung maaalala, siya ay naging instrumento sa pag-secure ng kinakailangang pondo para makabili ng ambulansya noong panahon ng Duterte administration.

Sabi nga ni Go, “ang ambulansya ay hindi lamang isang sasakyan.” Aniya, mahalaga ito upang makasagip ng mga buhay ang gobyerno.

Para sa kanya, “bawat segundo ay mahalaga sa mga emergency, at malaki ang magiging papel ng ambulansyang ito upang matugunan natin ang pangangailangan ng ating mga kababayan.”

Dahil sa mga ambulansya, ang mga medical team ay makareresponde nang mas mabilis sa mga pasyente at agad na makakukuha ng kinakailangang medikal na atensyon para rito.

Makikinabang dito ang mga makararanas ng atake sa puso, stroke, at iba pang emergency.

Mas pinaigting ni Go ang pagpapatayo ng Malasakit Centers noong 2018 matapos niyang masaksihan ang paghihirap ng mga Pilipino na namumroblema sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot.

Samantala, noong Biyernes naman, Setyembre 1, ay dumalo si Sen. Robin Padilla sa Scout Ranger Course Class 220-2023 Closing Ceremony. Ang seremonya ay ginanap sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan.

“Akin pong paulit-ulit na imumungkahi na napakalaki ng papel na ginampanan ng mga Scout Ranger sa pagpapalaya sa terorismo sa Marawi noong taong 2017,” pahayag ni Padilla.

Kaya naman, ayon sa senador, “lubos ang aking paghanga sa kanila.”

“Tulad ng aking binanggit sa aking talumpati, isa lamang po ang aking mapapangako at ‘yun po ay hindi ko kayo iiwanan. Maraming salamat Gen. Criste…Scout Rangers…at Mabuhay ang Inang Bayang Pilipinas!” dagdag pa ng energetic at masipag na senador.

320

Related posts

Leave a Comment