ANG PAG-ASENSO SA BUHAY SA MABUTING PARAAN

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS

MARAMING klase ang pag-asenso sa buhay, mayroong mabilis at may dahan-dahan lang.

May mabilis na umaasenso na may kaakibat na suwerte tulad ng mga tumatama sa lotto, mayroon din namang mabilis sa pamamagitan ng masamang gawain tulad ng panghoholdap at paghingi ng ransom sa pangingidnap.

Gaya nitong kidnaper na nasakote kamakailan ni kuya Police Colonel Aldrine Thompson na chief of police ng Hagonoy Municipal Police Station at Bulacan PNP.

Mayroon din namang pag-asenso sa pamamagitan ng mabuting paraan tulad ng pagtama sa lotto, subalit ito ay madalang pa sa patak ng ulan nangyayari.

Minsan tumama ka na sa lotto at nagkaroon ka ng milyon-milyong piso, subalit hindi nagtatagal ay nauubos din dahil hindi mo alam pahalagahan ang perang mabilis mo lang nakuha, kung kaya’t mabilis din siyang nawawala.

Kung mabilis na nawawala ang pera mula sa tinamaan sa lotto na sa mabuting paraan mong nakuha, mas mabilis na nawawala na parang bula ang pera o kayamanan na nagmula sa gawaing masama.

Yumaman ka man mula sa masamang gawain ay nananatili kang hindi kuntento dahil lagi kang hinahabol ng konsensya ng tao na pinagmulan ng pera na iyong naperwisyo.

Hindi ka rin mapalagay dahil anomang oras ay maaaring kang masukol ng mga awtoridad sa iyong masamang nagawa dahil sa pagnanais na magkaroon ng malaking pera.

Samantala, kung nagmula sa mabuting paraan ang pagkakaroon ng pera o kayamanan katulad na lamang nitong may-ari ng FCJ Chicken House na kabubukas lang noong March 18, eh may bago na naman binuksang branch (April 08) na matatagpuan sa Maximum Fuel sa Benito Hao, Mapulang Lupa sa Lungsod ng Valenzuela.

Dito ay mahimbing kang makatutulog sa gabi dahil wala kang naperwisyo sa iyong pag-asenso.

Dahil dito ay marami kang natulungan na tao tulad ng iyong mga employee, makatitipid at makakain ng masarap, mabusog sa halagang 79 pesos na 2 pcs chicken, unli java rice at unli sauce at nabigyan pa ng trabaho.

Hindi ka rin nangangamba sa iyong mga tauhan sa darating na mga araw na ikaw na ipagkakanulo nila sapagkat ang iyong pinagkakakitaan o negosyo ay nagmula sa mabuting paraan o walang halong kalokohan.

Mayroon ding umaasenso sa larangan ng kanilang pinasok na karera, tulad ng mga artista at sports.

Halimbawa na lamang si Manny Pacquiao na umasenso sa pamamagitan ng kanyang pagiging magaling na boksingero.

Pero bago pa man umasenso si Pacquiao ay napakarami niyang pinagdaanang sakripisyo, tulad ng panglalait, pagiging disiplinado niya, determinasyon at pagiging mapagkumbabang niya.

Sa daming perang nakamtan ni Manny Pacquiao sa kanyang pagiging sikat na boksingero ay nananatili siyang mapagkumbaba, hindi siya nakitaan ng yabang sa katawan.

Kaya kahit mawala man ang isang Manny Pacquiao, ang kanyang mga anak ay mamumuhay pa rin sa karangyaan dahil sa laki ng pera na nakuha niya sa kanyang karerang napili.

Sabi nga ng iba, kung ipinanganak kang mahirap at namatay kang mahirap pa rin, ikaw ang may kasalanan kung hindi ka umunlad.

Hindi ka man umunlad para sa sarili, pero nabigyan mo naman ng edukasyon ang iyong mga anak, nasa kanila na ang bola para maputol ang kahirapan ng iyong angkan.

May mga nagsasabi naman na ang kayamanan ay hindi mo madadala sa hukay, pero mayroon ka naman maiiwan sa iyong pamilya na kanilang magagamit.

Kaya mas maganda na ang pag-asenso sa buhay ay paunti-unti lang nakakamtan at lalo mas mabuti kung ito ay nagmula sa mabuting paraan.

Ang pag-unlad na nagmula sa mabuting paraan ay lalong pinagpapala ng panginoon sa langit.

Binabati ko pala ang walang kupas at walang sawang sumusuporta sa inyong lingkod na si Miss Aira Hernandez na may-ari ng Double D’ Brew, Punturin, Valenzuela City branch.

73

Related posts

Leave a Comment