ANO NGA BA ANG SERBISYONG PUBLIKO?

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS

ANG totoong SERBISYONG PUBLIKO o PUBLIC SERVICE sa wikang Ingles ay hindi makasarili.

Ito ay ang paglilingkod sa publiko o iba’t ibang ng uri ng mga tao.

Ang tinatawag nating public servants o ang halal na mga opisyal na iniluklok natin sa kung anomang posisyon, ay hindi mga HARI at REYNA.

Sila ay ating inihalal para maglingkod sa atin, hindi taumbayan ang maglilingkod sa kanila.

Ito rin ay isang serbisyo na inilaan upang maglingkod sa lahat ng mga miyembro ng isang komunidad.

Karaniwan itong ibinibigay ng gobyerno sa mga taong naninirahan sa loob ng nasasakupan nito, nang direkta (sa pamamagitan ng pampublikong sektor) o sa pamamagitan ng pagpopondo ng mga serbisyo.

Ang serbisyong pampubliko ay ginagawang TRANSPARENT ng estado upang ito’y maging bukas at publiko sa mamamayan.

Ang mga serbisyong pampubliko ay nagdadala at nagkakalat ng mga halaga sa mga bagong bansa at nag-aambag sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng estado at mamamayan.

Ano-anong trabaho at mga uri ang serbisyong publiko?

Sila ay mga ang guro, prinsipal at mga kasapi ng paaralang pampubliko, bumbero, paramedics, doktor, nars, mga volunteer sa barangay, pampublikong klinika, mga ahensyang nangangalaga sa kapaligiran, prosecutor, judge, abogado, drayber, konduktor, piloto, at ang hanay namin, mga journalist, reporter at cameraman.

Nakalulungkot nga lang na ang iba ay hindi nila ginagampanan ang kanilang pagiging public servants.

Lalo na ‘yung halal na mga opisyal na pakiramdam nila sila ay mga HARI at REYNA kapag ay nakaupo na sila sa posisyon.

Sa Article XI ng 1987 Constitution nakalagay na: “PUBLIC OFFICE is a PUBLIC TRUST”.

“Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives.”

Kaya ang AT YOUR SERVICE bilang kasama sa SERBISYONG PUBLIKO o PUBLIC SERVICE, ay ginagampanan natin ang aking responsibilidad na pagtulong sa ating kapwa.

Gaya na lamang ng ginawang pamimigay ng gift packs sa mga residente sa bayan ng Hagonoy, Bulacan at sa sunod-sunod nitong accomplishment bilang kasalukuyang Chief of Police ng Hagonoy Municipal Police Station na si Police Colonel Aldrine Thompson… kudos muli sayo kuya Colonel Thompson.

48

Related posts

Leave a Comment