BAGMAN NI TAN5, UNTOUCHABLE KAY KUME?

BISTADOR ni RUDY SIM

KUNG tigasin sa pelikula at sa mga teleserye itong batikang aktor at senador na si Lito Lapid na mahilig mambutas ng silya sa Senado, ay tila kabaliktaran naman ito sa anak nitong babae na “tiborcia” na si Maan na kasalukuyang terminal head ng Bureau of Immigration sa Clark International airport.

Usap-usapan ngayon sa BI mula sa mga Marites, ang pagkataranta umano ni Lapid na siya ay maisama sa imbestigasyon kung paano nakatakas sa bansa at kung sino ang mga tumulong kamakailan sa pagtakas ni Alice Guo.

Ayon sa narinig natin mula sa isang source sa DOJ, bago pa man ang petsang nawala sa bansa si Guo ay nakitang inalalayan umano ni Lapid sa airport ang dating Bamban Mayor sa kanyang domestic flight patungo sa isang exclusive resort na Balesin.

Matatandaang maging ang pangalan ng senador ay naungkat ang pagkaka-ugnay sa POGO hubs ni Guo sa Pampanga noong kasagsagan ng mainit na imbestigasyon, na itinanggi naman ng senador na kakilala niya itong si Alice Guo… hmm, oo nga naman, pero bakit niya aaminin?

Sa pagkataranta umano nitong si Tiborcia ay balak nitong magpa-relieve bilang terminal head ng airport upang baka sakaling hindi maungkat sa imbestigasyon na maaaring may kinalaman ang pag-escort niya kay Alice sa airport.

Ito kaya ang tinutukoy noon ni Pangulong Bongbong Marcos na alam na nila kung sino ang mga kasabwat ni Alice sa kanyang pagtakas sa bansa kapalit ang nakalululang halaga upang ibenta ng uniformed personnel ang kanilang sinumpaang tungkulin na ipagtatanggol at idedepensa ang bansa sa kanino mang kalaban, foreign o domestic.

Bakit, sakaling pagbigyan ba ni BI Commissioner Joel Viado na makalusot este ilipat pala si Tiborcia sa one stop shop ng BI-Clark field office, ay may pag-asang mabura sa imbestigasyon ang kanyang ginawang pag-escort kay Alice patungong Balesin?

Totoo kaya ang narinig nating impormasyon na sa sobrang kabaitan nitong si Kume Viado sa tinanggal na mga tauhan ng nasibak na si Kume Tan5, ay tinanong pa ang mga kumag kung saan nila gustong mailipat? Aba, ampaw naman ata ang tapang ni Kume! Kung itong si DOJ Secretary Boying Remulla na meow-meow nang meow meow sa media noong panahon ni Tan5, eh bakit ngayon ay tikom na ang bibig?

Alam kaya ni Remulla na binigyan pa ng power ni Kume Viado itong si alias “Dunhill” na bagman ng nasibak na Kume, na humawak ng mga maseselang dokumento sa BI na may karga? Ayon sa ating narinig ay kabisado umano nitong si Dunhill kung ano ang naiwanang mga papeles sa tanggapan ng nasibak na si Kume Tan5, na mayroong karga! Member ba ng Takusa itong si Kume na friendship umano ni Dunhill ang kanyang kumander kaya ito napagbigyan na manatili sa Ocom? Alam na this!

Teka, Ano kaya ang napag-usapan nang ipatawag umano ni Kume sa kanyang tanggapan kasama si Junjun, itong Warden ng Bicutan na si Leander Catalo na sa tatlong beses nang natakasan at kaliwa’t kanang reklamo ng korupsyon sa foreign inmates sa Bicutan, ay nananatili pa rin ito sa puwesto… Anyare! Magkano?

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring itext ako sa 09158888410.

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

121

Related posts

Leave a Comment