BAGO AT MAS MALIWANAG NA MERALCO BILL, NANDITO NA!

0

NAGSIMULA nang ma­ka­tanggap ang mga ­Meralco customer ng bagong bersyon ng bill nito na inaasahang mas kaaya-aya at mas madaling intindihin para sa mga customer. Ang mga pagbabagong ito ay batay sa ­mabusising market research na gi­nawa ng kompanya.

Kaya naman umpisa pa lang ay marami nang mga customer ang nagpahayag ng tuwa sa bagong format ng bill na ipinaabot sa social media at mga feedback sa Meralco. Ilan sa mga ito ay pinuri ang bagong format, at nagsabing mas madali itong basahin at mas madaling makita ang mga importanteng detalye na kailangan sa pagbabayad ng bill. Ang iba ay nasiyahan din sa dagdag na mga impormasyon na nakapaloob.

Isa sa mga kapansin-pansin sa bagong Meralco bill ay ang mas malaking papel nito na may sukat na 8″ x 11″. Ang sukat ng mga letra at numero ay nilakihan din upang mas madaling mabasa ng mga customer. Kapansin-pansin din ang kulay sky blue na kahon kung saan nakapaloob ang Customer Account Number (CAN), kabuuang halaga na kailangang bayaran, at ang due date.

Marami ring karagdagang detalye sa bagong bersyon ng Meralco bill na tiyak na kapaki-pakinabang sa mga customer. Ang presyo kada kilowatt-hour (kWh) na kinalkula batay sa kabuuang halaga ng bill at sa kWh na konsumo ng customer ay nakasaad na rin sa bill.

Upang maging madali para sa mga customer ang paghahambing nito ng konsumo sa koryente kada buwan, ang dating bar graph na nagpapakita ng konsumo sa loob ng isang taon ay binago na rin. Sa halip na konsumo sa isang taon, makikita na ang konsumo sa loob ng 24 buwan. Mas madaling makikita ng customer ang pagkakaiba o pagkakapareho ng antas ng konsumo nito sa parehong buwan ng nakaraang taon.

Nakapaloob din sa bill ang konsumo ng customer kada buwan at kada araw, at kung magkano ang karampatang halaga nito. Ang detalyeng ito ay tiyak na malaking tulong sa mga customer na nagnanais magtipid sa pagkonsumo ng koryente.

Ang impormasyon ukol sa mga bill na nabayaran na at mga hindi pa bayad ay makikita na rin sa bagong Meralco bill. Ito ay makikita sa likod kasama ang kumpletong impormasyon ng huling anim na payment transactions. Hindi na kailangan pang itabi ang mga lumang resibo.

Upang hikayatin ang customer na maging ­responsable sa paggamit ng kuryente, ang impormasyon ukol sa epekto ng paggamit ng kuryente sa kapaligiran at ang katumbas na greenhouse gas emission nito ay ­idinagdag din sa bagong bill. Makikita rin ang detalye kung paano pwede nating ma-offset ito.

Ang lahat ng pagbabagong ito ay handog ng Meralco sa mga customer. Sa pamamagitan ng bagong Meralco bill, inaasahang magiging mas madali para sa mga ito ang maintindihan ang kanilang buwanang bayarin sa kuryente. Nawa’y magsilbing epektibong ­paraan ang bagong Meralco bill sa paghahatid sa mga customer ng impormasyong makatutulong sa pagiging matalino at masinop nito sa paggamit ng kuryente.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment