BALIKBAYAN BOXES NA INABANDONA NG ALLWIN CARGO, MAAARING MAHANAP SA BOC SATELLITE OFFICES

RAPIDO ni PATRICK TULFO

NAPAKARAMI pa ring balikbayan boxes ang nawawala at hindi pa rin natatanggap mula sa in-auction na containers ng Bureau of Customs, at napunta sa ABBC (Association of Bidders of the Bureau of Customs).

Sa rami ng inabandonang containers ng Allwin Cargo, hinati ang delivery nito. Karamihan ay napunta at na-deliver ng Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP), at dito nga sa ABBC na grupo naman ni Robert Uy.

Batay sa mga reklamong natanggap namin, marami sa mga bagahe ay nawawala.

Nakipag-ugnayan kami sa tauhan ng ABBC upang tanungin ukol sa mga bagaheng napunta sa kanila. Sinabi nito na ang mga bagaheng ipadadala sa malalayong probinsya tulad ng Visayas at Mindanao, ay ipinadala na sa mga pier ng Bureau of Customs.

Isa nga sa natunton namin ay ang balikbayan box ng isang OFW mula sa Abu Dhabi, na nasa Customs Port na.

Ayon kay Cebu Customs District Collector Atty. Ricardo Morales, nandoon nga ang Allwin boxes sa kanilang pier.

Sinubukan umano nilang tawagan ang mga cellphone number ng mga pamilyang tatanggap pero hindi na nila ito ma-contact.

Sa pamilya ng mga OFW na naghahanap ng kanilang balikbayan boxes, ang inyong mga kahon po ay maaari n’yong i-check sa mga customs office sa inyong mga probinsya.

175

Related posts

Leave a Comment