BFAR NAKIISA SA INT’L COASTAL CLEAN-UP DAY

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)

PINANGUNAHAN ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isinagawang cleanup drive sa Barangay Tanza Uno, Navotas City.

Ang aktibidad ay ikinasa kasabay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day ngayong taon.

Nanawagan naman sa publiko si BFAR National Director Atty. Demosthenes Escoto na makiisa sa mga inisyatibo na layuning pangalagaan at protektahan ang mga karagatan.

Kung hindi ako nagkakamali, nasa 500 indibidwal mula sa FAR-Central Office, BFAR-National Capital Region (NCR), New Era High School, Asian Social Institute, at Lingkod Tao-Kalikasan ang nakiisa sa event nitong Sabado sa Marine Tree Park.

Ang cleanup drive ay suportado naman ng pamahalaang lungsod ng Navotas, Department of the Interior and Local Government (DILG)-NCR, at Metro Manila Development Authority (MMDA)-Navotas.

Ayon kay Escoto, ang tema ngayong taon ay “Clean Seas for Healthy Fisheries” kung saan ipinanawagan nila ang kooperasyon ng publiko sa pangangalaga sa mga yamang dagat na makabubuti para sa fisheries industry.

“Hinihikayat po namin ang lahat na makiisa sa mga proyekto ng ating pamahalaan na pangalagaan ang ating yamang-tubig. Kapag meron po kayong munting basura, sana’y ibulsa muna,” ani Director Escoto.

Sabi nga ng opisyal: “All bodies of water are connected, kaya sana po ay magbalikatan tayo para sa malinis at masaganang karagatan. I am optimistic that by working together, we can ensure that our oceans and coastal regions continue to be a source of life, inspiration, and prosperity for all.”

Sinabi ni Escoto na mahalagang mapangalagaan ang mga karagatan dahil ito ang ikinabubuhay ng mga mangingisda.

Aniya, “nakasalalay ang hanapbuhay ng milyon-milyon nating mga kababayan sa ating karagatan.”

Kaya naman, “nararapat lang [pong] sabihin na kapag malinis ang karagatan, sagana ang pangisdaan, at matatag ang kabuhayan.

Saludo po kami sa inyo, mga bosing.

God bless and more power!

393

Related posts

Leave a Comment