BI COMM APPLICANTS NA GUSTO MAGPAYAMAN, ‘DI NAKAPORMA KAY REMULLA

BISTADOR ni RUDY SIM

NOONG naligwak sa pwesto itong si dating Bureau of Immigration, Commissioner Norman Tansingco ay maraming natuwa at marami rin sa naiwanang mga aso nito sa Office of the Commissioner, ang nalungkot dahil nawala na ang kanilang gatasan.

Maraming pangalan ang lumutang na nangarap na masungkit ang naiwanang trono ni Tansingco gamit ang kanilang backer kagaya na lamang ni alias “Macho Chiquito” na dating naging chief ng Tourist Visa Section, na bata ng isang kongresista ng Maynila na si “Atras Abante”. Nariyan din ang napabalitang naging pambato ng malaking kapatiran na si Mang Kanor na dati nang naging deputy commissioner noong nakaraang administrasyon na matapos mawala sa puwesto ay naging producer ng isang tila pang Viva Max, ang peg ng opisyal.

Samut-saring haka-haka ng mga akala mo’y self-proclaimed experts or prophets na ang papalit daw ay si ganito o si ganun na akala mo naman ay may direktang konek sila sa Palasyo. May nagsasabi na patok daw sa ngayon ang kasalukuyang Officer-In-Charge Commissioner na si Atty. Joel Viado komo heto raw ay mina-manok ni DOJ Secretary Boying Remulla at hindi nga naging imposible matapos na nanumpa kahapon si Viado sa harap ni Remulla bilang bagong Commissioner ng BI.

Sorry na lang sa mga talunan na kandidato na hindi napili kagaya na lamang nina Atty. Aldwin Alegre, Atty. Abraham Espejo na walang kapaguran na makuha ang pwesto at itong isang kasalukuyang deputy commissioner na si Daniel Laogan na may koneksyon sa Chinese community bukod pa sa balita na very close din daw ito sa Unang Ginang.

Pero ano kaya ‘yung narinig natin na isang dating ‘most hated’ noon na komisyoner na si Atty. Siegfred Mison ang nagiging matunog? WTF! Hindi ba may perpetual disqualification na ito galing sa Court of Appeals kasama ang isa pang pamosong karakter na si Haring David? Ano kaya ang status ng kaso nito sa Supreme Court? Mabuti na lamang daw at hindi ito nakabalik dahil kung hindi ay panibagong kalbaryo na naman para sa mga empleyado ‘pag nangyari ito!

Sariwa pa sa ala-ala ng mga antigo at beterano diyan sa BI na itong si Mison ang naging dahilan kung bakit tuluyang nawala ang overtime pay sa airport. Siya rin ang may pakana kung bakit itinigil ng airlines and shipping companies ang pagbabayad ng OT. So kung ito man talaga ang nakaukit na kapalaran para humalili kay Kume Tan5 ay paano na? Eh ‘di nalintikan na! Scaryyy!

Pero bilib naman tayo kung nakabalik pa ang isang ito. Aba’y ‘di pa ba sapat ang pambabastos na inabot niya noong siya ay nagpunta sa isang x’mas party sa airport noon? Putok na putok ang insidente na binuhusan daw ng mga serbesa at itinapon sa basurahan ang dala-dala nito na mga ipamimigay na nilikha niyang libro para sa mga empleyado. Tapos ngayon keri niyang bumalik? Yuckyyy!

Wala pa naman tayo narinig na may naging masamang record itong si Commissioner Viado pero sana ay maging aware ito sa mga asong naiwan ni Tansingco sa ahensya na maaaring makasira sa kanya at magpatuloy ang kanilang pagpapayaman sa puwesto.

Ay Inang!!

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

42

Related posts

Leave a Comment