BI EMPLOYEE NA-ENTRAP PERO UNTOUCHABLE KAY COMMISSIONER

BISTADOR ni RUDY SIM

PINALAGAN ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang tila pagkunsinti ng pamunuan ni Commissioner Norman Tansingco sa isang fingerprint examiner na nakatalaga sa NAIA Terminal 3, matapos itong mahuli sa entrapment operation kamakailan matapos umanong hingian ng pera ang isang dayuhan.

Ayon sa report. sa kagustuhang maibalik umano ng isang Jacob Dela Rosa ang isang naiwang mahalagang dokumento ng isang dayuhan matapos itong dumating sa bansa, naisipang hanapin umano ni Dela Rosa ang Facebook account ng dayuhan upang ipaalam na ang kanyang I-Card ay nasa kanyang pangangalaga.

Labis na ikinatuwa naman ng dayuhan na maibabalik ang kanyang nawalang dokumento ngunit sa hindi inaasahan ay humingi umano ang naturang empleyado ng salapi kung kaya’t humingi ng saklolo ang nasabing dayuhan sa NBI upang ma-entrap ang suspek

Bakit kaya hindi ito inilabas sa media ng spokesperson ng BI, mayroon kaya silang kinikilingan sa kabila ng paglilinis nila ‘kuno’ sa ahensya?

Napaka-bopols naman ng empleyadong ito kung totoo nga na nag- message ito sa dayuhan sa messenger, hindi ba nito naisip na maaaring gamitin itong ebidensya laban sa kanya? Eh baka naman kulang sa sustansya ang utak nito dahil ‘di kumakain ng dinuguan?

Inaasahan sanang mabibigyan ng disciplinary action si Dela Rosa mula sa Commissioner pero bakit imbes na naglabas si Tansingco ng PO para ilipat ito sa admin, ay kabaliktaran ang nangyari at tila naging pabor pa sa kanya ang Personnel Order 097 dahil sa magandang puwesto sa Alien Registration Division siya inilagay? Hmm… ‘di kaya kababayan na naman ito ni Tan5 o baka naman mayroon itong kapit na mataas na opisyal?

Hindi lamang ang tila pagkunsinti ang nangyari dahil binigyan pa umano ito ng augmentation pay o overtime pay matapos gumawa ng kabalbalan na naman na ikasisira ng ahensya, aba tinamaan ng katangahan naman talaga…

Kaugnay nito, kung talagang naglilinis ang ahensya sa sinasabi nilang nagkaroon kuno ng katiwalian sa agenda section ng BI, eh bakit itong si Anna Mati na matagal nang bata umano ni Tan5, ang inilagay na hepe? Hindi ba’t nasangkot at nakasuhan ito noon sa pagpapalusot sa Korean national palabas ng bansa? Anyare?

Para sa inyong sumbong at reaksyon, i-text lamang ako sa 09158888410.

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

59

Related posts

Leave a Comment