SALUDO ang Misyon Aksyon sa pamunuan ng Bicol Regional General Hospital Geriatric Medical Center (BRGHAGMC) na dating Bicol Sanitarium dahil sa magandang serbisyo na pinatotohanan ng isang senior citizen na si Aurora Garfin, 61-anyos na naospital dahil sa dengue sa Nabua Camarines Sur.
Ayon kay Garfin, isinugod siya sa isang pribadong ospital na ang serbisyo ay naghihingalo, puro reseta at laboratory agad ang ginawa sa kanya at nagbayad ng halos P7,000 sa loob ng mahigit limang oras na pamamalagi rito ngunit walang resulta kung ano ang sakit nito at dahil na rin sa kakulangan ng kagamitan sa ospital, inirekomenda itong ilipat sa BRGHAGMC San Pedro Cabusao, CamSur.
Agad namang inasikaso si Garfin at nang suriin ng doktor gamit ang mga makabagong mga aparato, natuklasan na ito ay may dengue fever. Apat na araw itong naratay sa ospital na umabot ng P16,000 halaga ang bill ngunit wala itong binayaran sa nasabing ospital.
Saludo po talaga ang Misyon Askyon sa galing ng ginawa nina Sen. Francis “Chiz” Escudero at Congressman Rolando G. Andaya sa kaniyang House Bill 2987 at Senate Bill 1654 na dating “Bicol Sanitarium” na pagamutan ng mga may ketong ngayon ay BRGHAGMC, masa ang dating.
Pagdating sa pasilidad at serbisyo, malinis at patas o pantay ang kanilang binibigay na atensyon sa kanilang mga kawani lalo ang mga mga doktor maging ang kanilang head ng DSWD na si Merenia Raneses na talaga naman pong sagad sa buto ang kanilang binibigay na serbisyo na nakita mismo ng Misyon Aksyon.
Ang ospital ay mayroong 450 higaan na malaking pakinabang ito sa mga Bikolano dahil na rin sa de-kalidad na serbisyo na halos kasinghusay ng St. Lukes Hospital sa linis at serbisyo.
Sa mga staff ng BRGHAGMC sir/madam Edgardo R. Sarmiento Chief Hospital II, Gerovee San Andres AO IV Sidney A. Pado, Eva Orpina Verginia, Edna, Reynalda Lakay. Dra. Garcia, Dra. Bellesa, Dr. Echano at Dr. Carisosa at Engr. Edwin Malate. Kay Barangay Captain Danilo Belga ng San Isidro, Cabusao na nahirapang maghanap ng tanod dahilan sa karamihan ay may trabaho.
Kay Pangulong Rodrigo Roa “Digong” Duterte nais lang iparating ng Misyon Aksyon na ang inyong programa sa mga ospital ukol sa mga mahihirap ay tinatamasa na po ng mga Bikolano, dahil wala na pong tinatanggihang may sakit pagdating sa BRGHAGMC, libre at walang binabayaran ang mga pasyente. Kay DOH Sec. Francisco Duque… Mabuhay po kayo.
Kahanga-hanga ang serbisyo ng naturang ospital, na sanay maging ehemplo sa iba pang mga ospital na madalas nanggigipit ng mga pasyente lalo na sa mga kapuspalad.
oOo
Talagang tigasin pala itong alyas Marissa na itinuturing na may hawak ng 1602 color game sa Ilaya Tondo, Blumentritt at Quiapo dahil ang lakas ng loob nitong maglatag ng mesa na pinakamababa ay apat.
Namumutiktik ang mga mananaya kung baga sa sugal roll haping-hapi ang maraming mga mananayang mga estudyante at kabataan na nalulong sa sugal na ito.
Tinatawagan ng pansin ang Manila Police District Director Chief Supt. Danao Sir at NCRPO Chief Supt. Guillermo Eleazar pakiimbestigahan naman po ang alyas Marissa na siyang may hawak ng color game sa Manila. Sir, paki aksyunan na po.
Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. NOTE: problema sa SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS at iba pa. Cellphone No. Smart 09420874863 / 09755770656 EMAILADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com / arnelpetil12@gmail.comhttp://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)
169