BURGER NA NAGSIMULA SA P1,500, OPEN FOR FRANCHISE NA

Bizzness Corner ni JOY ROSAROSO

KAKAIBA rin ang style ni Chef Aki Antolin sa pagnenegosyo. Nag-umpisa lang sa bangketa at ang puhunan ay P1,500 noong 2019. Sa kasamaang-palad biglang nagkapandemya kaya nagdeklara si dating Pangulong Rodrigo Duterte na bawal lumabas ng bahay.

Ganoon pa man hindi nasiraan ng loob si Chef Aki. Sabi niya, laban lang. Doon niya naisipan gawing online ang kanyang negosyo at nagde-deliver din siya. Sa pagdaan ng mga araw ay nag-imbento siya ng mga burger menu like Burger Frank, Cheese Steak Pizza Quesadilla, Onion Rings, Belgian Fries, Chicken Wings, and more.

Sinimulan na rin niyang magdagdag ng food sa menu like Sizzling Chinese Eggplant, Sizzling Japanese Steak, Unli Java Rice, Philly Cheese Steak, at may dessert na rin like Sizzling Donut, Sizzling Ice Cream na hindi lang masarap kundi very affordable ang price. Pang-masa ika nga, kaya patok na patok sa mga customer n’ya. At ang ambiance sa kanyang pwesto ay hindi mo matatawaran. Pang-sosyal o mamahalin.

Matapos maka-survive noong pandemya ay nagtuloy-tuloy ang tagumpay ng 344 Bangketa Burger kaya ngayon ay bukas na sila sa franchise.

Naniniwala na tayo sa kasabihan na ‘pag gusto may paraan. Iba rin talaga ang diskarte ni Chef Aki Antolin. Kakaiba ang kanyang determinasyon at diskarte.

Sa mga gustong magsimula sa ganitong larangan ng negosyo, payo niya: “Focus at ‘wag mawawalan ng lakas ng loob. Kung may dumating na problema, laban lang, ‘wag titigil, mag-isip ng menu na masarap pero mura, at tiyaking maganda ang presentation ng pagkain, at maging tapat sa mga customer at maging malinis at magalang. Hindi kailangan ang malaking capital, like me, nag-start sa kanto sa halagang P1,500, ‘yan lang ang susi, makikita mo ang tagumpay.”

Ang 344 Bangketa Burger ay located sa Mandaluyong City.

333

Related posts

Leave a Comment