CBC AT CBSI, PINAIIMBESTIGAHAN SA BSP

MAHILIG umutang ang mga masang Filipino, ngunit iyong maliitang halaga lang dahil ito lang ang kaya nilang bayaran.

Madalas sa Bumbay pa nga umuutang ang karamihan na iskema ay ‘5/6’ na ang ibig sabihin ay masyadong mataas ang interes o tubo.

Kapag umutang sa Bumbay, tiyak malalaman ito ng mga kapitbahay dahil hindi sa halip na kanilang i-sikreto, ipapamalita pa nila sa buong barangay na ikaw ay may utang.

Kung milyun-milyon o bilyun-bilyon na ang halaga ng utang, halimbawa ng isang negosyante o kumpanya sa bangko, ay hindi rin daw pala ito dapat na inililihim.

Ganito ang punto ng negosyanteng si Wilbert Lee nang ireklamo niya ang China Banking Corporation (CBC), China Bank Savings, Inc. (CBSI) at ang kani-kanilang mga direktor at opisyal sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa liham na aking nabasa na nilagdaan ni Lee, pangulo at chief executive officer ng LKY Group, hinikayat ni Lee ang BSP na magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa directors, officers, stockholders and related interests (DOSRI) ng CBC, CBSI at ang kani-kanilang mga direktor at opisyal upang malaman ang katotohanan sa P4.13 bilyong pinautang nito sa Primark.

Ani Lee, kapag napatunayang totoo ang sinasabi niyang hindi iniulat ang ipinautang sa kanyang kumpanya na Primark, maaaring magsampa ng kaukulang reklamo sa DOSRI ng CBC at CBSI, kasama na ang mga opisyal at direktor ng dalawang bangkong ito, sa Department of Justice (DOJ).

Sa liham na may petsang Hunyo 16 na naka-address sa Monetary Board ng BSP, hiniling ni Lee na magsagawa ito ng “full fact-finding investigation” tungkol sa kanyang reklamo, kung saan inaakusahan niya ang CBC, CBSI at mga opisyal nito na hindi iniulat ang nasabing P4.13 bilyon.

Idiniin ni Lee na hindi pagsunod sa tinatawag na “reportorial requirements” ng pautang ng DOSRI ang hindi pagbibigay ng ulat hinggil sa P4.13 bilyong inutang ng Primark, banggit ni Lee.

“May kababaang-loob akong nakikiusap sa Honorable Board na idirekta ang pagsasagawa ng naturang pagsisiyasat sa paghahanap ng katotohanan at kapag napatunayan na nabigong i-ulat ang DOSRI loans, ang naaangkop na parusa ay dapat ipataw tulad ng pagsusumite ng reklamo sa tanggapan ng DOJ kagaya ng kaso ng namayapa na’t dating DFA Secretary Pefecto Yasay, et al. para sa mga unreported DOSRI loan ng Banco Filipino na nagkakahalaga ng mahigit PhP2 bilyon,” paliwanag ni Lee.

Nilinaw ni Lee sa kanyang liham na noong unang bahagi ng Pebrero ay ipinarating na niya sa Financial Supervision Sector (FSS) ng BSP ang nadiskbre niyang “posibleng paglabag” ng CBC, CBSI at mga opisyal ng dalawang bangkong ito.

Sabi ni Lee, ang payo sa kanya ng FSS ay maghain siya ng reklamong administratibo laban sa tingin niyang nagawang krimen ng CBC, CBSI at mga opisyal nito tungkol sa P4.13 bilyon.

Sa liham na may petsang Hunyo 22, humiling muli si Lee sa Monetary Board “na magsagawa ng isang full-inquiry fact-finding investigation.”

“Hindi ‘yung mababaw na pagsusuri na nakatakdang gawin ng Office of the General Counsel and Legal Services –– laban sa mga direktor at mga opisyal ng China Bank at hindi lamang ang bangko mismo,” aniya.

Nilinaw ni Lee na wala siyang layuning ipasara ang CBC at CBSI, kundi alamin at matukoy ang katotohanan sa nadiskubre niyang pagkakamali, sapagkat naniniwala siyang “ang paglabag sa DOSRI ay napakalaking krimen na maaaring mapunta sa ilalim ng basahan.”

Kaya, hiniling niya kay BSP General Counsel Elmore Capule na isaalang-alang ang pagtanggi na maglunsad ng malalim na imbestigasyon sa kanyang reklamo.

Ang nangyari raw ay ginawang kasong administratibo ang katangian ng kanyang reklamo, dahilan upang hindi naganap ang malalim na imbestigasyon upang matukoy ang katotohanan.

Idiin ni Lee na “ang fact-finding investigation ay mangangailangan ng higit pa sa isang pagsusuri ng mga pagsusumite kahit na kakailanganin nito ang malalimang pagsisiyasat sa paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga partido na kasangkot kasama ang mga direktor, opisyal, at empleyado ng SM Investment Corporation (SMIC) at mga direktor ng China Bank na kabilang sa pamamahala at operasyon ng aking firm, ang Primark.”

Ayon kay Lee, ang naging tugon sa kanya ng Office of the General Counsel and Legal Services (OGCLS) ng BSP ay isangguni sa FSS ang kanyang reklamo.

Dahil sa karanasang ito, inihayag ni Lee ang kanyang naramdam sa ganitong mga salita: “para sa akin, gayunpaman, walang sinuman sa regulatory agency para sa mga bangko ang maglalakas-loob na hawakan ang isang ten-foot pole na mga direktor at opisyal ng China Bank.”

“Ang nasabing nakapangingilabot na saloobin para sa mga direktor at opisyal na ito mula sa regulator [ng mga bangko] ay pagsikil sa interes ng publiko,” patuloy ng negosyante.

Ang intindi ko sa reklamo ni Lee ay gusto niyang maging patas ang BSP sa lahat.

“Kung ano ang ipinataw sa Banco Filipino [noon] ay dapat maipataw sa lahat,” ratsada ni Lee.

97

Related posts

Leave a Comment