CESSNA PLANE AT COVID-19

PRO HAC VICE BERT MOZO

PATULOY pa rin ang paghahanap ng mga sundalo mula 95th Infantry Battalion, 5th Infantry Division ng PHILIPPINE ARMY (PA) sa nawawalang anim (6) na mga pasahero ng bumagsak na CESSNA PLANE sa lalawigan ng Isabela.

Ayon kay COLONEL XERXES TRINIDAD, SPOKESPERSON ng PHILIPPINE ARMY, hindi tumitigil ang kanilang search and rescue team sa paggalugad sa lugar kung saan hinihinalang bumagsak ang naturang eroplano.

Dagdag pa ni Col. Trinidad, kahit na masama ang panahon ay tuloy-tuloy pa rin ang paggalugad ng mga sundalo sa Bundok ng SIERRA MADRE, kasama ang CAGAYAN VALLEY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL at lokal na pamahalaan sa lugar kung saan hinihinalang bumagsak ang nasabing eroplano.

Paliwanag pa ni Col. Trinidad, sa ngayon ay mayroong dalawang squad ng mga sundalo mula sa Philippine Army na sinusuyod na ang bulubunduking lugar ng Barangay SAPINIT sa Munisipalidad ng DIVILACAN.

Matatandaang nitong ika-23 ng Enero nang mapaulat ang nawawalang CESSNA PLANE makaraan itong mag-take off sa Cauayan Airport sa Isabela patungo sa Maconacon Airport.

Samantala, kamakailan lamang dalawang miyembro naman ng Philippine Airforce ang nasawi makaraan ding bumagsak ang SF260 Marchetti, ang eroplanong kanilang pinagsasabayan, sa palayanan sa Munisipyo ng Pilar sa Bataan.

Siguro kailangan na ng matindi-tinding imbestigasyon kaugnay sa naturang mga insidente, ano? Aba’y kapag laging ganyan hindi malayong mauubusan ng piloto ang bansa, kapag sa tuwina na lamang ay mayroong pangyayari ng mga pagbagsak ng mga eroplano sa ating bansa.

Aba’y marahil, kailangan na talagang masilip ang mga ganyang insidente, baka naman nag-aarimuhan ang mga may-ari ng mga eroplano na kahit may problema na ang kanilang eroplano ay pinapayagan pa rin nilang lumipad ang kanilang mga piloto.

Nagtatanong lang, dahil hindi po biro ‘yan dahil buhay ang nawawala kapag mayroong ganyang pangyayari o mga palpak na sasakyang panghimpapawid.

Hoy!!! Tuloy-tuloy na ba talagang nagapi natin ang COVID-19??

Kasi po batay sa datos ng OCTA RESEARCH GROUP, bumaba na sa 2.3 percent nitong nakalipas lamang na Enero 28 o araw ng Sabado, ang COVID-19 Positivity Rate sa NATIONAL CAPITAL REGION o NCR.

Pero gayunpaman ay hindi po tayo dapat magpaka-kumpiyansa, mga KA-SAKSI, dahil nariyan pa rin ang virus, hangga’t hindi po sinasabi ng mga eksperto na talagang wala nang COVID-19 ay hindi pa po tayo dapat magpaka-kampante.

Tulad ng Manila LGU, nananawagan pa rin sa lahat na magsuot pa rin ng face mask, kahit na nga maganda-ganda na ang kinalalabasan ng paglaban sa nakamamatay na sakit.

Dagdag pa ng Manila LGU, para sa mga nakararanas ng sintomas ng COVID-19, sumalang sa swab test upang kaagad namang maagapan at malabanan ang naturang nakahahawang sakit.

109

Related posts

Leave a Comment