CONG. AMBEN AMANTE NAMAHAGI NG AYUDA

TARGET NI KA REX CAYANONG

KAAKIBAT ng pakikinig sa mga nasasakupan ay gawa. Ganyan si Congressman Loreto “Amben” Amante ng Ikatlong Distrito ng Laguna.

Kamakailan, muling personal na pinamunuan ni Amante ang Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) payout.

Ayon sa tanggapan ng kongresista, nasa 226 benepisyaryo ng medical at funeral assistance sa distrito ang tumanggap naman ng ayuda sa San Pablo City Central School Gymnasium. Sinasabing dumalo rin si Sanggunian Federation President ng Laguna Bokal Yancy Amante sa payout.

Nasa 223 benepisyaryo naman mula sa 13 barangay ng lungsod ng San Pablo ang nakatanggap ng suweldo mula sa programang Tulong Pangkabuhayan para sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ikinasa ito sa pamamagitan nina Sen. Risa Hontiveros at Cong. Amante sa seremonyang ginanap sa school gymnasium.

Kung hindi ako nagkakamali, personal na pinamunuan ni Amante ang payout kasama sina Alaminos Liga ng Barangay President Lorenzo “Boy” Zuniga na representative ni Sen. Hontiveros, SK Federation President Bokal Yancy Amante, San Pablo City PESO Manager Pedrito Bigueras at Third District First Lady Madette Amante.

Kaliwa’t kanan na ang mga proyekto at programa ni Amante kahit na ilang buwan pa lamang siya mula nang umupo sa puwesto matapos ang 2022 polls.

Aba’y kamakailan din ay binasbasan at pinasinayaan naman ang bagong rehabilitate na kalsada sa Barangay San Roque, bayan ng Victoria sa pangunguna ni Chairman Efren Maloles. Nabatid na ito ay isa sa mga proyektong imprastraktura ni Amante.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Dennis Maglasang ang pagbabasbas habang kasama naman sa mga dumalo sina District Engineer Napoleon Abril at mga kawani ng DPWH-3rd District at Chairman Bembong Felismino ng Bhenllabien Builders Construction.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

162

Related posts

Leave a Comment