CONG. ARJO ATAYDE AT COUN. DOK G LUMBAD, MGA TUNAY NA LINGKOD-BAYAN

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MARAMI ang nakakapansin na ‘super sipag’ talaga nina 3rd Dist. Coun. Dra. Geleen “Dok G” Lumbad at 1st Dist. Rep. Arjo Atayde.

Kamakailan, dinalaw ni Dok G ang Brgy. White Plains sa Quezon City kung saan namahagi ito ng mga libreng gamot at Dok G Card.

Aba’y halos araw-araw na ang pag-iikot ng #TeamDoKG sa mga barangay ng District 3. Nais niyang mabigyan ang mga benepisyaryo ng bagong card. Nagtungo rin ang grupo ng konsehala sa Daan Tubo at Marytown, Loyola Heights.

“Lahat po ng mga barangay ay aming pupuntahan, abangan lamang po ang aming pagbisita sa inyong lugar,” ayon kay Dok G. Maging ang Barangay Blue Ridge A ay dinayo rin nila kung saan namigay rin si Dok G ng card at libreng gamot sa mga residente.

Naging matagumpay naman ang selebrasyon ng 30th National Children’s Month sa Brgy. Pansol noong Nobyembre 21 na dinaluhan din ng maganda at masipag na city councilor.

“Sa pangunguna po ni Kap. Jojo Mahusay, kasama ang BCPC o Barangay Council for the Protection of Children at #TeamDOKG, nagkaroon po ng salo-salo at mga palaro sa mga bata at kanilang mga magulang,” masayang pahayag ni Dok G.

Ayon sa doktora, “pagdating naman sa kapakanan ng ating mga kabataan, all out support po tayo d’yan.”

“Kasama po sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto at iba pang QC local officials, ginanap po [kamakailan] ang Children’s Congress 2022 na bahagi ng selebrasyon ng National Children’s Month,” sabi ni Dok G.

“Interactive seminar at workshop po ito na dinaluhan ng 250 students mula sa iba’t ibang eskwelahan ng ating lungsod. Itinuro sa kanila dito ang kanilang mga karapatan laban sa anumang klase ng pang-aabuso,” ayon pa kay Dok G.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pag-iikot ng mobile clinic at “Kusina On Wheels” ni Lodi Cong. Arjoy Atayde sa kanyang mga nasasakupan. Kamakailan ay pinuntahan nila ang Anakbayan St., Brgy. Paltok sa Distrito 1, QC.

“Handog ng ating butihing Congressman [Arjo] at Nanay Sylvia Sanchez [ang Kusina On Wheels],” ayon sa social media post ng Team Atayde.

Katuwang sina Kapitana She Corpuz at Kagawad Ester Atayde, umikot din ang mobile clinic ni Atayde sa Block 17, Brgy. Bungad kamakailan.

Nagkaroon ng libreng laboratory check-up ang kampo ni Atayde para sa kanyang mga ka-distrito. Kasama sa mga serbisyo rito ay ang blood extraction, x-ray, ECG at iba pa.

“Sisikapin po nating maikot ng ating Aksyon Agad Mobile Laboratory ang buong Distrito Uno upang sa munting paraan ay makabawas naman ito sa mga gastusin ng ating mga mamamayan,” pahayag pa ng energetic at batang kongresista.

Mabuhay po kayo at God bless, mga bossing!

255

Related posts

Leave a Comment