CONG. ERWIN TULFO PASOK SA LATEST SENATORIAL SURVEY

TARGET NI KA REX CAYANONG

RAMDAM na ramdam na ang presensya ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo sa Kongreso.

Well, hindi naman nakapagtataka iyan. Super sipag ng mamang ito.

Kahit nga noong wala pa ito sa puwesto, sikat na ang mama.

Kung hindi ako nagkakamali, malapit na ring maresolba nang tuluyan ang disqualification case laban sa kanya sa Commission on Elections (Comelec).

Kahit saang lugar yata sa bansa, kilala si Tulfo. Mas sumikat siya noong siya’y kalihim pa ng Department of Social Welfare (DSWD).

Noong mga panahong iyon, idineklara pa nga siya bilang ‘adopted son’ ng lalawigan ng Kalinga.

Nakuha niya ang pangalang “mangom-ombaliyon” na nangangahulugang matapang, masipag at palaban.

Ngayong nasa Kamara na siya, aba’y mas naging tanyag naman ang mama.

Ito’y dahil pasok siya sa pinakabagong senatorial survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa survey na isinagawa mula Abril 15-18, tinanong ang mga respondents kung sino ang pinakalamang nilang iboto bilang senador kung saan nanguna si Manny Pacquiao.

Sinasabing ang survey na iyon ay kinomisyon ni dating Rep. Arnel Ty.

Sinasabing nakasungkit si Pacquiao ng 7 porsyento na sinundan nina Sen. Ramon Bong Revilla (6 porsyento), at dating Senate President Tito Sotto (5 porsyento).

Aba’y sumunod naman sina Sen. Bong Go, negosyanteng si Manny Villar na tabla sa 4-5 slot (4%) at sinundan nina Sen. Lito Lapid, Sen. Bato dela Rosa, at Sen. Imee Marcos na tabla sa 6-8 slot (3 porsyento).

Tulad nga ng nasabi ko kanina, nasa 9-12 slot naman sina Rep. Tulfo, dating Pangulong Rodrigo Duterte, dating Sen. Ping Lacson, at Sen. Pia Cayetano (2%).

Swak naman sa 13th hanggang 31st spots sina dating vice presidents Leni Robredo at Jejomar Binay.

Maging sina Manila mayor Isko Moreno Domagoso, Atty. Chel Diokno, dating senators Francis Pangilinan, Antonio Trillanes IV, Richard Gordon, Gregorio Honasan, Mar Roxas at Richard Gordon pasok din dito.

Malayo pa naman ang 2025 midterm elections pero magandang pagkakataon ito para sa kanila para makapaghanda.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

169

Related posts

Leave a Comment