CONGRATS, CONG. ERWIN TULFO!

TARGET NI KA REX CAYANONG

YOU can never put a good man down.

Ganyan nga ang nangyari matapos pormal na naiproklama bilang kinatawan ng ACT-CIS Partylist si Cong. Erwin Tulfo.

Si Tulfo ay dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Socorro Inting ang mismong nanguna sa pagbibigay ng Certificate of Proclamation kay Tulfo.

Ito’y katibayan ng kanyang opisyal na pag-upo bilang kinatawan ng party list sa Kamara.

Kung hindi ako nagkakamali, ang proklamasyon ay isinagawa sa session hall ng COMELEC En Banc sa Intramuros, Maynila.

Kung matatandaan, naunsyami ang pag-upo ni Tulfo sa puwesto matapos palitan si dating 3rd nominee na si Jeffrey Soriano.

Sa pamamagitan ng isang disqualification case, hinarang ng isang Atty. Moises Tolentino, ang kanyang proklamasyon.

Aba’y ginamit na argumento ni Tolentino ang usapin ng citizenship, gayundin ang conviction ni Tulfo sa kasong libel, bagay na ibinasura ng poll body.

Labis naman ang pasasalamat ni Tulfo sa COMELEC dahil sa pagresolba nito sa kanyang kaso.

Ang poll body ang mismong sumagot sa mga usapin hinggil sa pagkuwestyon sa legalidad ng kanyang kandidatura. Ngayon, wala nang balakid sa pag-upo ni Tulfo.

Nangyari ang pagkapanalo niya ilang araw bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang SONA ni PBBM ay isasagawa ngayong araw, Hulyo 24.

Dito’y ilalatag ng Presidente ang mga nagawa niya nitong nagdaang 12 buwan at ang mga gagawin pa niya sa mga susunod na taon.

Mahalagang panoorin ang SONA ng Pangulong Marcos, mga giliw kong mambabasa.

Abangan!

98

Related posts

Leave a Comment